Ipinahayag dito sa Beijing kahapon ni Zhou Ji, Ministro ng Edukasyon ng Tsina, na sa kasalukuyan, aktibong itinatatag ng Tsina ang bagong sistema ng patakaran sa pagbibigay ng tulong na pinansyal sa mga mahihirap na estudyante sa mga unibersidad, kolehiyo at secondary vocational school. Sa hinaharap, mahigit 20 milyong estudyante sa naturang mga paaralan ang tatanggap ng gayong tulong bawat taon.
Sinabi ni Zhou na ayon sa sistemang ito, lalampas sa 50 bilyong yuan RMB ang kabuuang gugulin ng pinansyang sentral, pinansyang lokal at mga paaralan para sa pagbibigay-tulong sa mga mahihirap na estudyante bawat taon.
Salin: Vera
|