Nang kapanayamin ng China Radio International kahapon, ipinahayag ni Wang Zhengwei, kinatawan ng ika-17 Pambansang Kongreso ng Partido Komunista ng Tsina at umaaktong tagapangulo ng Rehiyong Awtonomo ng Ningxia sa hilagang kanlurang Tsina, na ang ideya sa siyentipikong pag-unlad ay nagturo ng direksyon para sa pag-unlad ng mga rehiyon ng pambansang minorya.
Sinabi ni Wang na sa kasalukuyan, napakabilis na umuunlad ang kabuhayan ng Ningxia at pumasok naman ang dakong kanluran ng Tsina sa yugto ng mabilis at mainam na pag-unlad. Anya, nitong ilang taong nakalipas, natamo ng Ningxia ang kapansin-pansing bunga sa aspekto ng konstruksyon ng kapaligirang ekolohikal.
Sinabi pa ni Wang na sa susunod na yugto, isasaalang-alang nang may priyoridad ng Ningxia ang mga isyung may kinalaman sa pamumuhay ng mga mamamayan para bahaginan ng bunga ng reporma at pag-unlad ang mga mamamayan.
Salin: Sissi
|