Si Liu Jingmin, pangalawang alkalde ng Beijing at pangalawang pangulong tagapagpaganap ng BOCOG
Sinabi ngayong araw sa Beijing ni Liu Jingmin, pangalawang alkalde ng Beijing at pangalawang pangulong tagapagpaganap ng Lupong Tagapag-organisa para sa Beijing 2008 Olympic Games o BOCOG, na naisakatuparan na alinsunod sa iskedyul ang mga pangunahing tungkulin sa iba't ibang yugto ng mga gawaing paghahanda para sa Olimpiyadang ito at sa gayo'y naglatag ng matibay na pundasyon para sa matagumpay na pagdaraos nito.
Ayon kay Liu, sa 37 venues para sa Beijing Olympic Games, liban sa National Stadium na matatapos ang konstruksyon sa Marso ng susunod na taon, matatapos alinsunod sa iskedyul ang konstruksyon ng mga iba pang venues bago mag-katapusan ng taong ito. Isinasagawa ang pag-iinsayo ng seremonya ng pagbubukas at pagpipinid. Walang sagabal ang pagbebenta ng mga tiket. Sumusulong naman ang pangangalap ng mga boluntaryo.
Salin: Liu Kai
|