Sinabi ngayong araw sa Beijing ni Liu Jingmin, pangalawang alkalde ng Beijing at pangalawang pangulong tagapagpaganap ng Lupong Tagapag-organisa para sa Beijing 2008 Olympic Games o BOCOG, na buong sikap na tinutipad ng Tsina ang iba't ibang pangako nito hinggil sa pagtataguyod ng isang "green Olympics" at natamo na ang kapansin-pansing bunga.
Sinabi ni Liu na sa proseso ng gagawaing paghahanda para sa Olimpiyada, binibigyang-diin ng Tsina ang pangangalaga sa kapaligiran at iginigiit ang paggamit ng mga environment-friendly building materials. Anya pa, sa pamamagitan ng gagawaing paghahanda, maliwanag na bumubuti ang kapaligirang ekolohikal ng Beijing.
Salin: Liu Kai
|