Sinabi ngayong araw sa Beijing ni Liu Jingmin, pangalawang alkalde ng Beijing at pangalawang pangulong tagapagpaganap ng Lupong Tagapag-organisa para sa Beijing 2008 Olympic Games o BOCOG, na walang sagabal na sumusulong ang mga gawaing panseguridad ng Olimpiyadang ito.
Anya, batay sa kahilingan ng International Olympic Committee, itinakda na ng Tsina ang madetalyeng plano ng mga gawaing panseguridad ng Olympic Games at itinatag na ang isang epektibong sistema sa antas ng estado ng pamumuno sa mga gawaing panseguridad.
Salin: Liu Kai
|