Ipininid kaninang umaga dito sa Beijing ang ika-17 Pambansang Kongreso ng Partido Komunista ng Tsina o CPC. Pinagtibay sa pulong ang ulat na pinamagatang "Mataas na pagpupulot ng dakilang bandila ng sosyalismong may katangiang Tsino, Pagsisikap para sa pagkamit ng bagong tagumpay sa komprehensibong pagtatayo ng may kaginhawahang lipunan" na ginawa ni Hu Jintao sa ngalan ng nagdaang Lupong Sentral ng CPC. Natapos rin sa pulong ang pagsusog sa "Konstitusyon ng CPC" at lininaw nitong ang scientific outlook on development ay isang mahalang patakarang tagapagpatnubay sa pag-unlad ng kabuhayan at lipunan ng Tsina at gayun ding mahalagang estratehikong kaiisipang dapat igiit at tupdin para mapaunlad ang sosyalismong may katangiang Tsino.
Nangulo at nagtalumpati sa pulong si Hu. Pinagtibay din sa pulong ang Working Report ng nagdaang Central Commission for Discipline Inspection ng CPC at lubos na kinumpirma ang mga gawain nito nitong 5 taong nakalipas.
Sa paraan ng secret balloting, inihalal ng mahigit 2.2 libong kinatawan sa pulong na ito ang bagong Komite Sentral ng CPC na binubuo ng 204 members and 167 alternate members at gayun din ang bagong Central Commission for Discipline Inspection ng CPC na binubuo ng 127 kasapi.
Salin: Jason
|