Ang mga bagong halal na Pirmihang Kagawad ng Pulitburo ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina (CPC) sa unang Sesyong Plenaryo ng ika-17 Lupong Sentral ng CPC ay makikipagtagpo bukas sa mga mamamahayag na Tsino at dayuhan. Sa panahong iyon, isasagawa ng mga pangunahing mass media ng Tsina na gaya ng China Radio International (CRI), China Central Television (CCTV) at China National Radio (CNR) ang live broadcast sa okasyong ito.
|