Nitong ilang araw na nakalipas, patuloy sa pagpapadala ng mga mensahe ang mga partido ng ibang bansa bilang pagbati sa pagdaraos ng ika-17 Pambansang Kongreso ng Partido Komunista ng Tsina o CPC.
Ang naturang mga partido ay kinabibilangan ng Democratic Party at Revolutionary Front of Independent ng East Timog, Progressive Party of Working People ng Cyprus, SWAPO Party ng Namibia, New Patriotic Party ng Ghana, Chama Cha Mapinduzi Party ng Tanzania, Labor Party ng Congo, Social Renovation Party ng Guinea-Bissau, Party of Progress and Socialism ng Monocco, Communist Party ng Timog Aprika, Party of Italian Communists, United National Movement ng Georgia, National Alliance Party ng Papua New Guinea, Party of Islamic Revival ng Tajikistan, Democratic Worker's Party at Communist Party ng Brazil at mga iba pa.
Salin: Liu Kai
|