• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2007-10-23 16:13:40    
Kauna-unahang pulong ng mga ministro sa pagsusuri sa kalidad ng Tsina't ASEAN, idaraos

CRI

Mula ika-28 hanggang ika-29 ng buwang ito, idaraos sa Lunsod ng Nanning ng Tsina ang kauna-unahang pulong ng mga ministro sa pagsusuri sa kalidad ng Tsina't ASEAN.

Sasariwain sa pulong na ito ang kalagayan ng pagtutulungan ng Tsina't ASEAN sa larangan ng pagsusuri sa kalidad, isasalaysay ang mga batas't regulasyon, pamantayan at sistema ng pangangasiwa ng iba't ibang bansa hinggil sa kaligtasan ng pagkain, sistema ng quality certification sa mga pagkain at produktong agricultural, pokus ng kasalukuyang gawain at estratehiya sa pag-unlad, kasalukuyang kalagayan ng pagtutulungan ng Tsina't ASEAN sa larangan ng kaligtasan ng pagkain at iba pa.

Ihaharap din ng pulong ang isang proposal hinggil sa pagpapalakas ng pagtutulungan ng Tsina't ASEAN sa larangan ng kaligtasan ng pagkain at mararating ang Magkasanib na Deklarasyon ng Nanning. Ipinahayag ng namamahalang tauhan ng General Administration of Quality Supervision, Inspection at Quarantine ng Tsina na ang pulong na ito ay palatandaan ng pagtatatag ng mekanismo ng pagsasanggunian ng mga ministro sa pagsusuri sa kalidad ng Tsina at ASEAN at makakabuti sa pagpapasulong sa pagtatayo ng malayong sonang pangkalakalan ng Tsina't ASEAN at mabilis at malusog na pag-unlad ng kalakalan ng Tsina at mga bansang ASEAN.

Salin: Jason