Idaraos sa ika-28 ng buwang ito sa Nanning, lunsod sa timog kanlurang Tsina, ang porum hinggil sa pamumuhunan at negosyo ng Biyetnam at Tsina.
Lalahok sa naturang porum ang halos 450 kinatawan mula sa sirkulo ng pulitika at bahay-kalakal ng Tsina at Biytnam na kinabibilangan nina Nguyen Tan Dung, punong ministro ng Biyetnam, Gao Hucheng, pangalawang ministro ng komersyo ng Tsina at Liu Qibao, party secretary ng Rehiyong Awtonomo ng Guangxi. Isasalaysay ng mga kalahok ang kalagayan ng pamumuhunan at negosyo ng Tsina at Biyetnam at tatalakayin ang mga mabisang paraan para lalo pang mapalawak ang saklaw at larangan at mapataas ang lebel ng kooperasyon ng dalawang bansa. Lalagdaan naman ng mga kalahok na kinatawan ng mga bahay-kalakal ng Tsina at Biyetnam ang isang serye ng proyekto ng kooperasyon at pamumuhunan.
Salin:Sarah
|