Idaraos mula ika-28 hanggang ika-29 ng buwang ito sa Nanning ng Tsina ang porum sa kooperasyon at kaunlaran ng koryente ng Tsina at ASEAN. Lalahok sa porum na ito ang halos 300 opisyal na ministeriyal at tauhan ng industriya ng koryente na galing sa Tsina at mga bansang ASEAN.
Ayon sa ulat, ang porum na ito ay naglalayong magkaloob ng isang mabuting plataporma para sa kooperasyon ng mga bahay-kalakal ng dalawang panig sa mga larangan ng paggagalugad sa yaman ng koryente at inobasyon sa teknolohiya ng industriyang ito.
Salin: Ernest
|