Idaraos mula ika-28 hanggang ika-31 ng buwang ito sa Lunsod ng Nanning ang ika-4 na Summit sa Negosyo at Pamumuhunan ng Tsina at ASEAN na magtatampok sa kalakalang panserbisyo at kooperasyong pinansyal.
Sa summit na ito, tatalakayin ng mga kalahok na opisyal, eksperto, iskolar at personahe ng mga bahay-kalakal ng Tsina at mga bansang ASEAN ang hinggil sa pagpapalalim ng kooperasyon nila sa kalakalang panserbisyo at paggamit ng mga paraang pinansyal para mapasulong ang kanilang kalakalan.
Salin: Liu Kai
|