Pormal na naitatag ngayong araw sa Nanning, lunsod sa timog kanlurang Tsina, ang sentro ng pagsasanay ng kababaihan ng Tsina at ASEAN.
Ang pagtatatag ng sentrong ito ay ipinasiya sa kauna-unahang porum sa kababaihan ng Tsina at ASEAN na idinaos noong isang taon. Ito ay naglalayong palakasin ang pagpapalitan ng impormasyon ng Tsina at ASEAN sa larangan ng pag-unlad ng kababaihan at pasulungin, sa pamamagitan ng pagsasanay, ang paglahok ng mas maraming babae ng Tsina at mga bansang ASEAN sa pagpapaunlad ng kalakalan at mga bahay-kalakal.
Salin: Liu Kai
|