Dumating kahapon ng Nanning si punong ministro Bouasone Bouphavanh ng Laos para lumahok sa ika-4 na China ASEAN Expo.
Sa pagtatagpo nila ni Lu Bing, tagapangulo ng Rehiyong Awtonomo ng Guangxi ng Tsina, ipinahayag ni Bouasone na malaliman ang tradisyonal na pagkakaibigan ng Laos at Tsina at nitong ilang taong nakalipas, nagsagawa ang dalawang bansa ng maraming kooperasyon. Umaasa rin anya siyang mamumuhunan sa Laos ang mas maraming bahay-kalakal na Tsino.
Iminungkahi naman ni Lu na batay sa kalakalan at kooperasyon sa pagpoproses ng produktong agrikultural, ibayo pang palalawakin ng Guangxi at Laos ang larangan ng kooperasyon at hahanapin ang mas maraming pagkakataong pangkooperasyon.
Salin: Liu Kai
|