• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2007-10-27 18:45:23    
Ika-4 na CAEXPO, bubuksan bukas

CRI
Bubuksan bukas sa Nanning, punong lunsod ng Rehiyong Autonomo ng Lahing Zhuang ng Guangxi ng Tsina ang ika-4 na China-Asean Expo o CAEXPO.

Sa isang news briefing ngayong hapon, sinabi ni tagapagsalita Yao Shenhong ng Ministri ng Komersyo ng Tsina na sapul noong 2004, mabungang-mabunga ang dating 3 CAEXPO at lumalawak nang lumalawak ang impluwensiya nito. Ang CAEXPO ay naging mahalagang plataporma para sa pagpapalitan at pagtutulungan ng Tsina at mga bansang Asean sa iba't ibang antas at larangang gaya ng kabuhayan at kalakalan. Isinalaysay pa niya ang hinggil sa target, tema, katangian at iba pang kalagayan ng kasalukuyang ekspo. Ayon sa salaysay, pinakamarami sa bilang at pinakamalaki sa impluwensiya ang mga kalahok na personahe mula sa sirkulong pangkabuhayan sa kasalukuyang ekspo, at lalahok din sa ekspo ang mga namamahalang tauhan ng top 500 enterprises sa daigdig, namamahalang tauhan ng mga namumunong bahay-kalakal ng mga pangunahing industryang pangkooperasyon at pangunahing opisyal ng mga pandaigdigang organisasyong pangkabuhayan.

Nagtalumpati naman sa news briefing ni Nicholas Tandi Dammen, pangalawang pangkalahatang kalihim ng Asean. Sinabi niyang magiging pinakamalaking malayang sonang pangkalakalan sa daigdig ang malayang sonang pangkalakalan ng Tsina at Asean, dahil meroon itong napakalaking populasyon at malawakang transaksyon, at umaasa siyang magtatagumpay ang kasalukuyang ekspo.