Pormal na naitatag ngayong araw sa Nanning, lunsod sa timog kanlurang Tsina, ang base ng pagsasanay ng kabataan ng Tsina at ASEAN.
Ang baseng ito ay itinatag batay sa mungkahi na iniharap ni premyer Wen Jiabao ng Tsina sa ika-10 Summit ng Tsina at ASEAN na idinaos noong Enero ng taong ito sa Pilipinas. Magkakaloob ito ng plataporma para sa pagpapalitan at pagtutulungan ng Tsina at mga bansang ASEAN sa larangan ng pagsasanay ng mga batang talento.
Salin: Liu Kai
|