• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2007-10-28 09:20:11    
Tsina, nakahandang ibayo pang palalimin ang estratehikong partnership nila ng ASEAN

CRI
Ipinahayag kahapon sa Nannning ni pangalawang premyer Zeng Peiyan ng Tsina na nakahanda ang kanyang bansa na buong higpit na makipagtulungan sa iba't ibang bansang ASEAN para ibayo pang mapalalim ang estratehikong partnership ng Tsina at ASEAN, mapasulong ang kooperasyon sa Silangang Asya at makapagbigay ng ambag sa kapayapaan, kaunlaran at katatagan ng rehiyon.

Winika ito ni Zeng sa kanyang pakikipagtagpo sa mga kalahok na lider ng ilang bansang ASEAN sa ika-4 na China ASEAN Expo na kinabibilangan ng Crown Prince ng Brunei at mga punong ministro ng Kambodya, Laos at Biyetnam. Sinabi rin niya na nitong ilang taong nakalipas, napataas sa isang bagong lebel ang pagtitiwalaang pulitikal, kooperasyong may mutuwal na kapakinabangan at pagpapalitang kultural ng Tsina at iba't ibang bansang ASEAN.

Ipinahayag naman ng naturang mga lider ang kanilang kasiyahan sa bagong progreso ng relasyong Sino-ASEAN nitong ilang taong nakalipas at umaasa rin silang walang humpay na mapapalalim ang pakikipagtulungan sa Tsina sa iba't ibang larangan ng pulitika, kabuhayan, kultura at mga iba pa.

Salin: Liu Kai