• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2007-10-28 12:17:24    
Ika-4 na CABIS, binuksan

CRI

Binuksan ngayong araw sa Nanning ang ika-4 na Summit sa Negosyo at Pamumuhunan ng Tsina at ASEAN o CABIS.

       

Lumahok sa seremonya ng pagbubukas si pangalawang premyer Zeng Peiyan ng Tsina at ang mga lider ng ilang bansang ASEAN.

Sa kanyang talumpati sa seremonya, sinabi ni Zeng na pagpasok ng taong ito, patuloy na mabilis na lumalaki ang kalakalan ng Tsina at ASEAN, lumalawak ang pamumuhunan sa isa't isa at bumubuti ang mekanismong pangkooperasyon at sa gayo'y pumasok sa isang bagong yugto ang kanilang relasyong pangkabuhayan at pangkalakalan. Umaasa rin anya siya na batay sa bagong kalagayan at pangangailangan ng pag-unlad ng Tsina at mga bansang ASEAN, patuloy na hahanapin ng iba't ibang panig ang mga bagong larangan ng kooperasyon sa pagpapaunlad ng kabuhayan at lipunan.

Salin: Liu Kai