Idinaos ngayong umaga sa Nanning exhibition center ang promosyon ng Pilipinas hinggil sa pagkakataon para sa pamumuhunan. Dumalo sa promosyon sina Benadette Romula-Puyat, pangalawang kalihim ng agrikultura ng Pilipinas, Shuilan O. Primavera, consule-general ng Pilipinas sa Guangzhou, at ang mga kinatawan ng sirkulong komersyal, mga bahay-kalakal at media.
Sa promosyon, isinalaysay ng mga opisyal ng Kagawaran ng Agrikultura, Subic Bay Metropolitan Authority, mga organisasyon at bahay-kalakl ng Pilipinas ang pamumuhunang mineral, pamumuhunang agrikultural, lohistika sa puwerto ng Pilipinas, kalakalan ng Tsina at Pilipinas at iba pa.
Ipinahayag ni Puyat na ang Pilipinas ay magiging pinakabukas na economy sa daigdig at winiwelkam ng kanyang bansa ang mas maraming bahay-kalakal na Tsino na mamuhunan sa Pilipinas.
Salin: Vera
|