Binuksan ngayong araw sa Nanning ang dalawang araw na kauna-unahang pulong ng mga ministro ng inspeksyon sa kalidad ng Tsina at ASEAN na may temang "pagpapalalim ng pangangasiwa at pagtutulungan sa mga pagkaing iniluluwas at inaangkat at pangangalaga sa kapakanan ng mga mamimili".
Ipinahayag sa pulong ni Li Changjiang, puno ng General Administration of Quality Supervision, Inspection and Quarantine, na ibayo pang palalawakin at palalalimin ng kanyang bansa ang pakikipagtulungan sa iba't ibang bansang ASEAN sa aspekto ng inspeksyon sa kalidad, kaligtasan ng pagkain at mga iba pa.
Salin: Liu Kai
|