Ang mamamahayag ng CRI at Si Bouasone Bouphavanh, P.M. ng Laos
Nang kapanayamin kahapon ng mamamahayag ng China Radio International (CRI), ipinahayag ni Bouasone Bouphavanh, P.M. ng Laos na nakakapagpasulong ang China-ASEAN Expo (CAEXPO) sa pag-uugnayan ng Tsina at ASEAN. Si Bouasone ay kasalukuyang dumadalo sa ika-4 na CAEXPO at Summit ng Negosyo at Pamumuhunan ng Tsina at ASEAN (CABIS) na idinaos sa Nanning ng Guangxi ng Tsina.
Sinabi ni Bouasone na ang pagdalo sa CAEXPO ay isang pagkakataon para sa pagpapalakas ng pagtutulungan ng Laos at iba pang bansang ASEAN at ng Tsina. Anya, puspusang pabubutihin ng kanyang bansa ang kapaligiran ng pamumuhunan para makalikha ng mas magandang kondisyon para sa mga mamumuhunan ng iba't ibang bansa.
Salin: Li Feng
|