• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2007-10-29 10:14:56    
Tsina, Pilipinas at Indonesia, lumagda sa katitikan

CRI

Magkahiwalay na nilagdaan kahapon ng General Administration of Quality Supervision, Inspection and Guarantine ng Tsina ng Pilipinas at Indonesia ang katitikan, at ipinangako nilang itatag ang mekanismong pangkooperasyon sa food safety at maayos na lutasin ang mga problema ng kalidad at seguridad sa kanilang bilateral na kalakalan ng pagkain.

Sa katitikang nilagdaan ng Tsina at Kagawaran ng Kalusugan ng Pilipinas, binalik-tanaw ng magkabilang panig ang kalagayan ng kanilang pagtutulungan sa larangan ng food safety, at nagpalitan sila ng kuru-kuro hinggil sa isyu ng naiwang formaldehyde sa pagkain. Umaasa ang panig Tsino na siyentipikong pakikitunguhan ng panig Pilipino ang naturang problema. Ipinahayag naman ng panig Pilipinas na kasalukuyang tinatasa at pinag-aaralan nito hinggil sa problemang ito, at isasaayos ang mag kinalamang patakaran batay sa resulta ng pagtasa.

Sa pag-uusap, ipinahayag ni Li Changjiang, Puno ng General Administration of Quality Supervision, Inspection and Guarantine ng Tsina na ibayo pang palalawakin at palalalimin ng panig Tsino ang pagtutulungan nila ng iba't ibang bansang ASEAN sa larangan ng food safety.

Salin: Li Feng