Sa Porum sa Pag-unlad at Pagtutulungan ng Puwerto ng Tsina at ASEAN kahapon, sinabi ni Li Shenglin, Ministro ng Komunikasyon ng Tsina na ang puwerto at paghahatid sa dagat ay nagsisilbing mahalagang plataporma sa pagtutulungang pangkaibigan ng Tsina at ASEAN, at noong nagdaang taon, lumampas sa 100 bilyong dolyares ng halaga ng mga inihatid na kalakal ng puwerto ng Tsina at ASEAN.
Si Li Shenglin, Ministro ng Komunikasyon ng Tsina
Sinabi niyang sa kasalukuyan, sa kalagayan ng walang humpay na pag-unlad ng kabuhayan at kalakalan ng Tsina at ASEAN at ng globalisasyong pangkabuhayan, lumitaw ang tunguhin ng magandang pag-unlad sa mga puwerto ng Tsina at ASEAN. Sa kasalukuyan, ang Tsina at ASEAN ay nagsisilbing ika-4 na pinakamalaking trade partner ng isa't isa, at may pag-asang lumampas sa 200 bilyong dolyares ang halaga ng kanilang bilateral na kalakalan sa darating na taon.
Salin: Li Feng
|