Tanawin ng Brunei
Idinaos kahapon sa Nanning, punong lunsod ng lalawigang Guangxi, ang 4 araw na ika-4 China-ASEAN Expo. Umaasa ang delegasyon ng Brunei na sasamantalahin ang pagkakataong ito at mapapakilala ang turismo nito para mahikayat ang mas maraming turistang Tsino.
Sapul nang maging bansang destinasyon ang Brunei sa mga sibilyang Tsino noong 2000, mas maraming mamamayang Tsino ang naglalakbay sa Brunei. Noong unang pitong buwan ng kasalukuyang taon, nakatanggap ang Brunei ng mahigit 15 libong turistang Tsino.
Salin: Sissi
|