Porum ng Kooperasyon at Kaunlarang Pangkoryente ng Tsina at ASEAN
Isiniwalat kahapon sa Nanning, punong lunsod ng Guangxi, ni Qi Dacai, pangalawang direktor ng China Southern Power Grid Co. Ltd na bilang departamentong tagapagpaganap sa paglahok sa kooperasyong pangkoryente ng Greater Mekong Sub-Region, hanggang noong Setyembre ng kasalukuyang taon, inihatid nito ang 3.4 bilyong kilowatts na koryente sa Biyetnam sa pamamagitan ng 5 linya.
Isinalaysay ito ni Qi sa kanyang paglahok sa kauna-unahang Porum ng Kooperasyon at Kaunlarang Pangkoryente ng Tsina at ASEAN na idinaos nang araw ring iyon.
Salin: Sissi
|