Sa kasalukuyan, isinapubliko ng Tsina ang mahigit 960 pambansang isdandard sa kaligtasan ng pagkain at mahigit 2900 isdandard ng industrya ng pagkain.
Sa pulong ng mga ministro ng pagsusuri sa kalidad ng Tsina at ASEAN sa Nanning, sinabi ni Wei Chuanzhong, Pangalawang Puno ng State Administration for Quality and Inspection and Quarantine ng Tsina na inisiyal na nabuo ng Tsina ang sistema ng isdandard ng kalidad na kompleto ang uri at maayos ang estruktura, mayroon pa itong 11 batas at 22 regulasyon hinggil sa kalidad ng produkto at kaligtasan ng pagkain.
Sinabi ni Wei na sa mula't mula pa'y pinahahalagahan na ng pamahalaang Tsino ang gawain hinggil sa kalidad ng produkto at kaligtasan ng pagkain at nag-iiadhere ng pagsasagawa sa estratehiyang pangkabuhayan na ginawang ukod ang kalidad sa kompetisyon.
salin:wle
|