Porum sa Pag-unlad at Pagtutulungan ng Puwerto ng Tsina at ASEAN
Ipinalabas ngayong araw ng Tsina at iba't ibang bansang ASEAN ang "magkasanib na pahayag hinggil sa pag-unlad at kooperasyon ng mga puwerto ng Tsina at ASEAN", at narating nila ang maraming komong palagay sa pag-unlad at kooperasyon ng mga puwerto sa hinaharap.
Sa naturang pahayag, binalangkas ng 2 panig ang mga may kinalamang maginhawang patakaran sa pagpapabuti ng kapaligiran ng pamumuhunan para mahikayat at katigan ang aktibong paglahok ng mga bahay-kalakal sa konstruksyon ng imprastruktura ng puwerto ng ibang bansa batay sa mga batas at regulasyon ng kanilang bansa. Sa pamamagitan ng pagdaraos ng simposyum at training class, pasusulungin ng 2 panig ang konstruksyon ng puwerto at ang kanilang pagpapalitan sa larangan ng pamamahala. Bukod dito, ibayo pang palalakasin ng magkabilang panig ang kanilang kooperasyon sa mga aspektong gaya ng superbisyon sa mga port country at seguridad sa dagat.
salin:wle
|