Ipinalabas ngayong araw sa Nanning ng mga departamento ng pagsisiyasat sa kalidad ng Tsina at 10 bansang ASEAN ang "Magkasanib na Pahayag ng Nanning", at narating nila ang malawak na komong palagay hinggil sa kooperasyon ng Tsina at ASEAN sa food safety, proteksyon sa karapatan ng mga mamimili at iba pa.
Binuksan kahapon sa Nanning ang 2-araw na kauna-unahang pulong ng mga ministro ng pagsusuri sa kalidad ng Tsina at ASEAN, at ang tema nito ay "Pagpapalakas ng pamamahala at pagtutulungan sa seguridad ng mga inaaangkat at iniluluwas na pagkain para mapangalagaan ang karapatan at interes ng mga mamimili", at lumahok sa pulong ang halos 130 opisiyal mula sa Tsina at ibang bansa.
salin:wle
|