Idinaos mula kahapon hanggang ngayong araw sa Nanning ang kauna-unahang China-Asean Ministerial Meeting on Quality Supervision, Inspection and Qurantine na nilahukan ng mga may kinalamang opisyal ng Tsina at sampung bansang ASEAN na kinabibilangan nina Bernadette Romulo-Puyat, pangalawang kalihim ng agrikultura at Alexander A. Padilla, pangalawang kalihim ng kalusugan ng Pilipinas.
Nang kapanayamin ng mamamahayag, ipinahayag ni Puyat na nagsama-sama ang Tsina at mga bansang Asean para sa pagpapahalaga ng food safety at pangangalaga sa mga mamimili. Anya pa, maaaring makapag-share ang mga kalahok na bansa ng sarili-sariling batas at regulasyon sa food safety.
Salin: Liu Kai
|