Sa porum na pangkooperasyon ng Tsina at ASEAN sa panggugubat na idinaos ngayong araw sa Nanning, punong lunsod ng Guangxi ng Tsina, ipinahayag ni Li Yvcai, pangalawang direktor ng Pambansang Kawanihang ng Panggugubat ng Tsina na mahigpit ang kooperasyon ng panggugubat ng Tsina at mga bansang ASEAN, lumalawak nang lumalawak ang mga larangang pangkooperasyon.
Iminungkahi niyang dapat lubos na samantalahin ng dalawang panig ang kasalukuyang umiiral na bilateral at rehiyonal na mekanismong pangkooperasyon, aktibong isagawa ang pagpapalitan ng kabuhayan, teknolohiya, impormasyon at tauhan hinggil sa panggugubat; palakasin ang pagsasanggunian sa mga larangang gaya ng pagpapatupad ng batas at pamamahala sa gubat at sustenableng pagtatakbo; aktibong pangalagaan at paunlarin ang kooperasyong pangkabuhaya't pangkalakalan sa panggugubat, palakasin ang pagtutulungan sa pangangalaga sa yaman, aktibong pasulungin ang kooperasyon sa mga bagong larangan.
Salin: Sissi
|