Idinaos ngayong araw sa Nanning ang Porum ng Pag-unlad at Pagbawas sa Kahirapan ng Tsina at ASEAN, lumahok sa porum ang mahigit 100 mataas na opisiyal, eksperto, iskolar at empresaryo mula sa Tsina at 10 bansang ASEAN sa larangan ng pagbawas sa kahirapan at pag-unlad ng lipunan.
Sinabi ni Fan Xiaojian, Puno ng Tanggapan ng Konseho ng Estado ng Tsina sa mga suliranin ng poverty relief na pasusulungin ng porum na ito ang pagtatayo ng mekanismo ng pagtatagpong ministryal ng Tsina at ASEAN sa poverty relief, mekanismo ng porum na panrehiyon ng poverty relief at mekanismo ng pagdalaw sa isa't isa laban sa kahirapan, at ito ay nakakabuti sa paggaganap ng Tsina ng mahalagang papel sa pag-unlad ng lipunan at poverty relief sa Tsina at ASEAN at pagpapasulong ng pagkakaibigan at pag-unlad ng 2 panig.
salin:wle
|