Ipinahayag kamakailan sa Nanning ng Guangxi ng Tsina ni Pung Kheav Se, tagapayong pangkabuhayan ng Punong Ministro ng Kambodya, na ang Tsina ay naging isa sa mga bansang namuhunan ng pinakamaraming pondo sa Kambodya at hanggang sa kasalukuyan, may mahigit tatlong libong nakatalang bahay-kalakal na Tsino sa Kambodya.
Ang Tsina ay isang mahalagang trade partner ng Kambodya. Noong isang taon, umabot sa 730 milyong dolyares ang halaga ng bilateral na kalakalan ng dalawang bansa na lumaki nang 30% kumpara sa 2005.
|