Ipininid ngayong araw sa Nanning ng Tsina ang kauna-unahang Porum ng Tsina at ASEAN sa Pag-unlad ng Lipunan at Pagbabawas ng Kahirapan. Kaugnay ng pagtutulungan sa pagbabawas ng kahirapan, ipinalabas ng Tsina at iba't ibang bansang ASEAN ang "Mungkahi ng Nanning" para magkakasamang mapasulong ang pag-unlad ng lipunan at pagbabawas ng kahirapan.
Idinaos kahapon sa Naning ang naturang porum na dinaluhan ng mahigit isang daang mataas na opisyal ng Tsina at 10 bansang ASEAN at mga kinatawan ng mga may kinalamang organisasyong pandaigdig.
Salin: Li Feng
|