Ipininid kahapon sa Nanning, lunsod sa timog kanlurang Tsina, ang ika-4 na China ASEAN Expo o CAEXPO.
Isinalaysay ni Li Jinzao, pangalawang direktor ng lupong tagapag-organisa ng CAEXPO, na sa kasalukuyang ekspo, umabot sa 1.42 bilyong Dolyares ang kabuuang halaga ng transaksyon na lumaki ng mahigit 12% kumpara sa nagdaang ekspo. Nilagdaan din sa ekspo ang 182 proyekto ng pandaigdig na kooperasyong pangkabuhayan at lumampas sa 6.1 bilyong Dolyares ang kabuuang halaga ng pamumuhunan na lumaki ng mahigit 5% kumpara sa nagdaang ekspo.
Ang ika-5 CAEXPO ay idaraos sa Nanning mula ika-20 hanggang ika-23 ng Oktubre ng susunod na taon.
Salin: Liu Kai
|