Nagpalabas ngayong araw ng artikulo ang Xinhua News Agency, pambansang ahensiya sa pagbabalita ng Tsina, na tumutukoy na ang pagsasagawa ng Tsina ng reporma at pagbubukas sa labas ay hindi para magbago ng katangian ng sistemang sosyalista ng bansa, kundi ay pagpapabuti at pagpapaunlad ng sistemang ito.
Tinukoy ng naturang artikulo na tulad ng sinulat sa ulat ng ika-17 Pambansang Kongreso ng Partido Komunista ng Tsina, ang pagsasagawa ng Tsina ng reporma at pagbubukas sa labas ay naglalayong paunlarin ang produktibong lakas ng lipunan, isakatuparan ang modenisasyon ng bansa, payamanin ang mga mamamayang Tsino, pasulungin ang pagpapabuti at pagpapaunlad ng sistemang sosyalista ng bansa, itatag at pasulungin ang sosyalismong may katangiang Tsino at palakasin at pabutihin ang party-build-up.
Salin: Liu Kai
|