|
|
|
Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin | |
|
|
|
|
|
|
|
|
(GMT+08:00)
2007-11-02 16:03:24
|
Malaysia, umaasang mapalalakas ang kooperasyon ng mga maliit at katamtamang bahay-kalakal nila ng Tsina
CRI
Ipinahayag kamakailan sa Yulin ng Rehiyong Awtonomo ng Guangxi ng Tsina ni Ng Lip Yong, pangalawang ministro ng kalakalan at industriya ng Malaysia na umaasa ang kanyang bansa na mapalalakas ang pagpapalitan at pagtutulungan ng mga maliit at katamtamang bahay-kalakal nila ng Tsina.
Winika ito ni Ng sa kanyang paglahok sa ika-4 na ekspo ng pagkakataong pang-negosyo ng mga maliit at katamtamang bahay-kalakal. Sinabi niyang malaki ang espasyo ng pagtutulungan at pagpapalitan ng mga maliit at katamtamang bahay-kalakal ng Malaysia at Tsina. Umaasa anya siyang sa ilalim ng pag-unlad ng kooperasyong Sino-ASEAN, mapalalakas ng dalawang panig ang pagpapalitan para magkasamang mapabilis ang pag-unlad ng mga maliit at katamtamang bahay-kalakal.
Salin:Sarah
|
|
|