Nagpalabas ngayong araw ng artikulo ang Xinhua News Agency, pambansang ahensiya sa pagbabalita ng Tsina, na tumutukoy na ang ika-2 henerasyon ng liderato ng Partido Komunista ng Tsina o CPC na pinamunuan ni Deng Xiaoping ay tagalikha ng dakilang usapin ng reporma at pagbubukas sa labas ng Tsina.
Ipinalalagay ng naturang artikulo na tulad ng sinulat sa ulat ng ika-17 Pambansang Kongreso ng CPC, itinakda ng naturang henerasyon ng liderato ang patakaran sa reporma at pagbubukas sa labas at saligang linya ng partido sa unang yugto ng sosyalismo. Anito, ibayo pang ipinakikita ng mga ito na ang naturang liderato ay tagalikha hindi lamang ng usapin ng reporma at pagbubukas sa labas, kundi rin ng teorya sa sosyalismong may katangiang Tsino at saligang linya ng partido sa unang yugto ng sosyalismo.
Salin: Liu Kai
|