Nagpalabas ngayong araw ng artikulo ang Xinhua News Agency, pambansang ahensiya sa pagbabalita ng Tsina, na tumutukoy na sa kasalukuyang Tsina, ang paggigiit sa landas ng sosyalismong may katangiang Tsino ay ang tunay na paggigiit sa sosyalismo.
Anang artikulo, ang naturang siyentipikong konklusyon na sinulat sa ulat ng Ika-17 Pambansang Kongreso ng Partido Komunista ng Tsina ay iniharap bilang isa sa dalawang saligang dahilan ng pagtamo ng Tsina ng lahat ng mga tagumpay at progreso sapul nang isagawa ang reporma at pagbubukas sa labas.
Anito pa, ang landas ng sosyalismong may katangiang Tsino ay tanging paraan para sa pagtungo ng Tsina sa may kaginhawahang lipunan at middle developed country at pagsasakatuparan pa ng kasaganaan ng bansa, pag-ahon ng nayon at harmonya ng lipunan. Lumalawak nang lumalawak ang landas ng sosyalismong may katangiang Tsino.
Salin: Liu Kai
|