Ipinahayag ngayong araw ni Luo Haocai, pangalawang tagapangulo ng Pulitikal na Konsultatibong Kapulungan ng mga Mamamayang Tsino, na ang paggalang at paggarantiya sa karapatang pantao ay sinulat sa lahat ng mga nilalaman ng ulat ng ika-17 Pambansang Kongreso ng Partido Komunista ng Tsina hinggil sa konstruksyong pangkabuhayan, pampulitika, pangkultura at panlipunan.
Sinabi ni Luo na sapul nang idaos ang ika-16 na Pambansang Kongreso ng CPC, natamo ng Tsina ang bagong progreso sa konstruksyon ng demokrasiya at sistemang legal, walang humpay na bumubuti ang sistemang legal hinggil sa paggarantiya sa karapatang pantao at mabisang iginagarantiya ang karapatang demokratiko ng mga mamamayan.
Sinabi rin niya na ang naturang ulat ay nagturo ng direksyon ng pag-unlad ng usapin ng karapatang pantao ng Tsina at ito rin ay plataporma at patnubay sa gawain ng karapatang pantao at pagpapalakas ng konstruksyon ng teorya hinggil sa karapatang pantao.
Salin: Liu Kai
|