Sa artikulong ipinalabas ngayong araw ng Xinhua News Agency, pambansang ahensiya sa pagbabalita ng Tsina, tinukoy nitong ang sistema ng teorya ng sosyalismong may katangiang Tsino ay pinakahuling bunga ng Marxism sa Tsina.
Anang artikulo, iniharap ng ulat ng ika-17 Pambansang Kongreso ng Partido Komunista ng Tsina (CPC) na ang sistema ng teorya ng sosyalismong may katangiang Tsino ay pinakahuling bunga ng Marxism sa Tsina, ito ring spiritual at political fortune ng CPC. Sa ilalim ng kasalukuyang kalagayan ng Tsina, ang paggigiit sa naturang sistema ay talagang paggigiit sa Marxism.
Salin: Vera
|