Nagpalabas ngayong araw ng artikulo ang Xinhua News Agency, pambansang ahensiya sa pagbabalita ng Tsina, na nagsasabing ang pagsasakatuparan ng katwiran at katarungan ng lipunan ay konsistenteng paninindigan ng Partido Komunista ng Tsina at mahalagang tungkulin ng pagpapaunlad ng sosyalismong may katangiang Tsino.
Anang artikulo, sapul nang idaos ang ika-16 na Pambansang Kongreso ng CPC, iniharap ng partido ang mahalagang estratehikong ideya hinggil sa pagtatatag ng sosyalistang may-harmonyang lipunan at buong liwanag na itinuturing ang pagsasakatuparan ng katwiran at katarungan ng lipunan bilang saligang katangian at mahalagang target ng sosyalistang may-harmonyang lipunan.
Salin: Liu Kai
|