Nagpalabas ngayong araw ang Xinhua News Agency, pambansang ahensiya sa pagbabalita ng Tsina, ng artikulo na nagsasabing kung nais malalimang isakatuparan ang Scientific Outlook on Development at patuloy na pasulungin ang sosyalistang konstruksyong pangmodernisasyon sa bagong historical starting point, kung tutuusin, kailangan palalimin ang reporma.
Tinukoy ng artikulo na kasabay ng pagpasok ng reporma sa bagong yugto, lumakas nang malaki ang kasalimuutan at kahirapan nito. Kaya, dapat pataasin ang pagiging siyentipiko ng kapasiyahan ng reporma, itayo ang kamalayan ng siyentipikong kapasiyahan, demokratikong kapasiyahan at kapasiyahan batay sa batas, dapat ibayo pang pabutihin ang mekanismo, regulasyon at proseso ng kapasiyahan ng reporma at pasulungin ang pagsasasiyensiya't pagsasademokrasya ng kapasiyahan. Kasabay nito, ang reporma ay isang napakalaking proyekto ng sistema, dapat palakasin ang koordinayson ng mga hakbangin ng reporma.
Salin: Vera
|