Ipininid kamakailan sa Lunsod ng Ningbo ng Lalawigang Zhejiang sa silangang Tsina ang 2007 Tourism Investment and Trade Fair ng Tsina.
Lumahok sa peryang ito ang mahigit 1200 mamumuhunan at eksibitor mula sa ibang bansa at umabot sa 20 bilyong yuan RMB ang halaga ng mga narating na kontrata.
Bilang tugon sa 2008 Beijing Olympic Games at kahilingan sa pagtitipid sa enerhiya at pangangalaga sa kapaligiran, ang "green tourism" ay itinampok sa kasalukuyang perya at nilagdaan ang ilang proyekto hinggil dito.
Salin: Liu Kai
|