Nagpalabas ngayong araw ng artikulo ang Xinhua News Agency, pambansang ahensiya sa pagbabalita ng Tsina, na nagsasabing ang pagpapalakas ng koordinadong pag-unlad at pagsasakatuparan ng mainam at may-kabilisang pag-unlad ng kabuhayan ay kahilingan sa aspekto ng konstruksyong pangkabuhayan na iniharap ng ika-17 Pambansang Kongreso ng Partido Komunista ng Tsina para sa pagtatatag ng may kaginhawanang lipunan sa mataas na antas at mahalagang patnubay sa pagsasakatuparan ng siyentipikong pag-unlad.
Anang artikulo, sapul nang isagawa ang reporma at pagbubukas sa labas, mabilis na umuunlad ang kabuhayan ng Tsina, ngunit kinakaharap naman ang mga bagong kontradiksyon at hamon. Batay sa bagong kalagayan, buong liwanag na iniharap sa naturang kongreso ang mga bagong kahilingan sa anim na aspekto.
Salin: Liu Kai
|