• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2007-11-21 09:50:25    
Wen Jiabao at GMA, nagtagpo

CRI

Nagtagpo kahapon sa Singapore sina Premyer Wen Jiabao ng Tsina at Pangulong Gloria Macapagal Arroyo ng Pilipinas. Nagpalitan sila ng palagay hinggil sa mga isyu ng relasyon ng dalawang bansa, kooperasyon sa South China Sea at iba pa.

Sinabi ni Wen na dapat itakda sa lalong madaling panahon ng dalawang bansa ang magkasanib na plano ng aksyon ng estratehikong kooperasyon at panlimahang-taong plano sa pagpapaunlad ng kooperasyong pangkabuhayan at pangkalakalan para ibayo pang mapalalim ang kanilang kooperasyong pangkaibigan. Binigyang-diin din niyang nakahanda ang Tsina na patuloy at buong higpit na makipagtulungan sa Pilipinas para maalwang maisagawa ang ikalawang yugto ng joint marine seismic research ng Tsina, Pilipinas at Biyetnam at mapasulong ang pagtamo ng aktuwal na bunga ng magkakasamang paggagalugad sa South China Sea sa lalong madaling panahon.

Sinang-ayunan ni Arroyo ang hinggil dito. Sinabi niya na ang Tsina ay mahalagang partner ng Pilipinas at pinahahalagahan ng kaniyang bansa ang relasyong pangkaibigan at pangkooperasyon sa Tsina sa estratehikong pananaw. Inulit din niya na buong tatag na iginigiit ng Pilipinas ang patakarang isang Tsina at tinututulan ang "pagsasarili ng Taiwan".

Salin: Ernest