Isinapubliko ngayong araw ng Xinhua News Agency, pambansang ahensya sa pagbabalita ng Tsina, ang artikulo na nagsasabing ang "pagpapalakas ng konstruksyong pangkultura at puspusang pagpapataas ng sibilisadong kalidad ng buong nasyong Tsino" ay nagsisilbing isang bagong kahilingan ng ulat ng ika-17 Pambansang Kongreso ng Partidong Komunista ng Tsina (CPC) hinggil sa komprehensibong pagtatayo ng may kaginhawahang lipunan.
Sinabi ng artikulo na ang konstruksyong pangkultura ay nagsisilbing mahalagang bahagi ng pangkalahatang plano ng usapin ng sosyalismong may katangiang Tsino; ang pagpapalakas ng konstruksyong pangkultura ay nagsisilbing mahalagang paraan para sa pagpapataas ng pangkalahatang kalidad ng buong nasyong Tsino; ito ring mahalagang target ng komprehensibong pagtatayo ng may kaginhawang lipunan.
Salin: Ernest
|