Nagpalabas kahapon ng artikulo ang Xinhua News Agency, pambansang ahensiya sa pagbabalita ng Tsina, na nagsasabing sa ulat ng ika-17 Pambansang Kongreso ng Partido Komunista ng Tsina, iniharap sa kauna-unahang pagkakataon ang target ng pagtatatag ng sibilisasyong ekolohikal at ito ay di-maiiwasang kahilingan at mahalagang tungkulin sa pagpapatupad ng ideya sa siyentipikong pag-unlad at pagtatatag ng may kaginhawahang lipunan sa mataas na antas.
Anang artikulo, para maitatag ang sibilisasyong ekolohikal, dapat buuin ang estrukturang industriyal, paraan ng pag-unlad at pamamaraan ng konsumo na nagtitipid sa enerhiya at yaman at nangangalaga sa kapaligirang ekolohikal.
Salin: Liu Kai
|