Nitong ilang taong nakalipas, pinalakas ng Shenzhen, lunsod ng lalawigang Guangdong ng Tsina, ang pangangalaga sa kapaligiran, at itinatayo ang pangmatagalang mabisang mekanismo ng pangangasiwa sa pangangalaga sa kapaligiran sa pamamagitan ng mahigpit na pagpapatupad ng batas para mapasulong ang sustenableng pag-unlad ng kabuhayan nito at itatag ang lipunang may sibilisasyong ekolohikal.
Ipinahayag kamakailan sa mass media ni Li Hongzhong, Kalihim ng Lupong Panlunsod ng Shenzhen ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina, na sa pagharap sa limitasyon ng lupa, yaman, populasyon at kapaligiran sa proseso ng pag-unlad, binalangkas at ipinalabas sa kasalukuyang taon ng pamahalaan ng Shenzhen ang kapasiyahan hinggil sa pagpapalakas ng pangangalaga sa kapaligiran at pagtatatag ng lunsod na ekolohikal at itinakda ang mga hakbangin para tupdin ang gawain ng pangangalaga sa kapaligiran.
Salin: Ernest
|