Napag-alaman kamakailan ng mamamahayag na sa loob ng darating na 8 taon, maglalaan ang Tongnan County ng Lunsod ng Chongqing sa timog kanlurang Tsina ng 2 bilyong yuan RMB para makapagkaloob ng mas maraming non-polluted vegetable sa buong bansa.
Sa kasalukuyan, 330 libong tonelada ang taunang output ng non-polluted vegetable ng Tongnan at pagkaraang isagawa ang naturang proyekto, aabot sa 1.78 milyong tonelada ang bilang na ito sa taong 2015.
Salin: Liu Kai
|