• Hinggil sa CRI• Hinggil sa Serbisyo Filipino
More>>
China Radio International
Balita sa Tsina
Balita sa daigdig
Pulitika
Kabuhayan
Lipunan
Kultura
Isports
• Pakinggan ninyo ang pinakahuling programa natin

Tsinaistik

Lipunan

Tsina at ASEAN

Olimpiyada

Musika

Dear Seksiyong Filipino
(GMT+08:00) 2007-12-05 14:55:41    
Tsina, dapat pabilisin ang pagtatatag ng sistema ng siyentipiko't makatwirang paggamit ng enerhiya't yaman

CRI

Nagpalabas ngayong araw ng artikulo ang Xinhua News Agency, pinakamalaking ahensiya sa pagbabalita ng Tsina, na nagsasabing dapat pabilisin ng Tsina ang pagtatatag ng sistema ng siyentipiko't makatwirang paggamit ng enerhiya't yaman.

Anang artikulo, sa kasalukuyan, ang Tsina ay nasa isang yugtong bumibilis ang pagsasaindustrya at pagsasalunsod, at sa darating na ilang panahon, patuloy na lalaki ang pangangailangan nito sa enerhiya't yaman. Kaya, dapat pabilisin ang pagsasaayos sa estruktura ng industrya at pagpapaunlad ng recycling economy, paunlarin ang renewable energy at alternate energy at palakasin ang kamalayan ng mga mamamayan sa pagtitipid ng enerhiya at pagbabawas ng consumption.

Bukod dito, dapat pabilisin ng mga pamahalaan sa iba't ibang antas ang pagsasakumpleto ng mga kinauukulang patakaran. Dapat bigyan din ng preperensyal na patakaran ang mga bahay-kalakal na nagtamo ng kapansin-pasing bunga sa pagpapaunlad ng recycling economy at pagpapatupad ng malinis na produksyon.

Salin: Vera